Isa sa pinakamalaking rason kung bakit marami ang umaatras
sa MLM business ay dahil sa rejection. Isa rin ito sa pinakamalaking dahilan
kaya marami ang nag-fail sa selling. Napakahirap para sa karamihan kung paano
i-deal ang rejection, lalo na kung wala kang proper training, good
confidence, or tamang mindset.
You have to realize that rejection is part of what you do
and if you take it personally, di ka magtatagal sa industry.
Obserbahan mo to – maraming alibi o magsisinungaling ang tao
para makaiwas sa’yo - kaibigan mo man o kapamilya – paasahin ka pero wag ka at
iindyanin ka sa inyong usapan. Yung isa among prospect hyper na hyper na at
siguradong magsa sign-in na sa Tuesday pero magtataka pagdating ng Wednesday
nag-quit na. Yung team member mo na dati-rati ay panay ang text at tawag o pm
sa FB bigla ka na lang pagtaguan at mapudpod man ang daliri mo kaka type ng
message dika rereplayan, kung meron man, tignan mo ang date, after a week or
month na.
Mag-ooffer ka ng opportunity or products sa sa maraming tao
at karamihan ay sasagutin ka ng NO.
You will hear every excuse under the sun. People will lie to
you, mislead you, and be deceptive and dishonest with you.
Para sa mababa ang self-esteem at confidence, napakalaking
subo yan para lunukin.
Karamihan ng tao ayaw ng rejection at di alam kung paano i-deal
ito. Sino ba naman ang may gusto? At dahil masyado nilang pinepersonal, napapaatras
sila at nasasaktan ang kanilang ego. At kapag puro na lang rejection sa umpisa
palang, magku-quit sila at babalik sa kanilang comfort zone kung saan walang
rejection.
I would like to share with you what I learned from my 15
months in this business. These helped me out during those critical times when
quitting paid me a visits;
Don’t
take it personally – pag sinagot ka ng NO di ka nila tinatanggihan.
Tinatanggihan lang nila kung ano ang ino-offer mo.
Don’t
dwell on it – Pag sinagot ka ng NO, move forward. NEXT! Napakaraming tao na
di mo pa na meet na gusting mag-join sa’yo kung iaaproach mo sila ng tama. Yun
ang trabaho mo, ang hanapin sila. Kapag nag-dwell ka sa desisyon ng ibang tao,
mapag-iiwanan ka.
Don’t be
attach to an outcome – di mo kailangan ang specific na tao para mag-join
sa’yo. Wag mong hayaan na ang desisiyon ng ibang tao ay i-kontrol ang emotions
mo. Just do the work and good things will happen.
Make a game
out of it – gumawa ka ng goal mo. What if you get 100 NO in a month? The
quicker and the more NO you get, the quicker you will make results. Dahil sa
100 na NO in a short period of time, that means you get results kumpara sa wala
kang gagawin.
Be thankful
– on the process, nalalaman mo ang mga iba’t-ibang uri ng pakikipag-deal ng
tao. Nahahasa ang skills mo at natututo kang mag-adjust sa sitwasyon. Natututo
ka ring sumagot ng mas may confidence napapatunayan mo sa sarili mo na kaya mo
ring malagpasan ang mga napagdaanan ng mga top-earners sa industriya. At higit
sa lahat, nae- enhance ang iyong personality at tumataas ang status ng iyong
intellectual capacity.
Ilan lamang ito sa mga ginagawa ko to deal with rejections.
Minsan nga napipikon din ako pero tinataasan ko na lang ng kilay at kinakagat ko ang dila ko before I say something not nice and it all worked! J
Please take a closer
look at this context
Imagine na isa kang flight attendant, matapos kang mag serve
ng meal sa mga pasahero you walk down the isle back ang forth asking passengers
if they want a refill for their coffee or tea cups. Some may accept but some may
say 'NO THANKS'.
Would you let those passengers who said NO makes you feel
bad? Ibababa ba ng self-esteem mo ang pagtanggi nila at iniisip mo nang mag-quit sa job mo?
Syempre hindi. You would know that people are not rejecting
you personally. They are just saying NO sa ino-offer mo.
Ganyan din sa business. Tinatanggihan lang nila ang
opportunity na ino-offer mo and not you. Kaya pag sinagot ka ng NO, stay cool,
wag mapikon, or masaktan. Ikibit-balikat mo lang and politely say, “See you
around!” dahil pag may resulta at kumikita ka na sila na ang maghahabol sa’yo.
Hope this blog helps! Happy changing lives! J
No comments:
Post a Comment