Thursday, February 27, 2014

Ano ang kailangan at dapat mong gawin pag ni-reject ka?

Isa sa pinakamalaking rason kung bakit marami ang umaatras sa MLM business ay dahil sa rejection. Isa rin ito sa pinakamalaking dahilan kaya marami ang nag-fail sa selling. Napakahirap para sa karamihan kung paano i-deal ang rejection, lalo na kung wala kang proper training, good confidence, or tamang mindset.

You have to realize that rejection is part of what you do and if you take it personally, di ka magtatagal sa industry.

Obserbahan mo to – maraming alibi o magsisinungaling ang tao para makaiwas sa’yo - kaibigan mo man o kapamilya – paasahin ka pero wag ka at iindyanin ka sa inyong usapan. Yung isa among prospect hyper na hyper na at siguradong magsa sign-in na sa Tuesday pero magtataka pagdating ng Wednesday nag-quit na. Yung team member mo na dati-rati ay panay ang text at tawag o pm sa FB bigla ka na lang pagtaguan at mapudpod man ang daliri mo kaka type ng message dika rereplayan, kung meron man, tignan mo ang date, after a week or month na.

Mag-ooffer ka ng opportunity or products sa sa maraming tao at karamihan ay sasagutin ka ng NO.

You will hear every excuse under the sun. People will lie to you, mislead you, and be deceptive and dishonest with you.

Para sa mababa ang self-esteem at confidence, napakalaking subo yan para lunukin.

Karamihan ng tao ayaw ng rejection at di alam kung paano i-deal ito. Sino ba naman ang may gusto? At dahil masyado nilang pinepersonal, napapaatras sila at nasasaktan ang kanilang ego. At kapag puro na lang rejection sa umpisa palang, magku-quit sila at babalik sa kanilang comfort zone kung saan walang rejection.

I would like to share with you what I learned from my 15 months in this business. These helped me out during those critical times when quitting paid me a visits;

Don’t take it personally – pag sinagot ka ng NO di ka nila tinatanggihan. Tinatanggihan lang nila kung ano ang ino-offer mo.

Don’t dwell on it – Pag sinagot ka ng NO, move forward. NEXT! Napakaraming tao na di mo pa na meet na gusting mag-join sa’yo kung iaaproach mo sila ng tama. Yun ang trabaho mo, ang hanapin sila. Kapag nag-dwell ka sa desisyon ng ibang tao, mapag-iiwanan ka.

Don’t be attach to an outcome – di mo kailangan ang specific na tao para mag-join sa’yo. Wag mong hayaan na ang desisiyon ng ibang tao ay i-kontrol ang emotions mo. Just do the work and good things will happen.

Make a game out of it – gumawa ka ng goal mo. What if you get 100 NO in a month? The quicker and the more NO you get, the quicker you will make results. Dahil sa 100 na NO in a short period of time, that means you get results kumpara sa wala kang gagawin.

Be thankful – on the process, nalalaman mo ang mga iba’t-ibang uri ng pakikipag-deal ng tao. Nahahasa ang skills mo at natututo kang mag-adjust sa sitwasyon. Natututo ka ring sumagot ng mas may confidence napapatunayan mo sa sarili mo na kaya mo ring malagpasan ang mga napagdaanan ng mga top-earners sa industriya. At higit sa lahat, nae- enhance ang iyong personality at tumataas ang status ng iyong intellectual capacity.

Ilan lamang ito sa mga ginagawa ko to deal with rejections. Minsan nga napipikon din ako pero tinataasan ko na lang ng kilay at kinakagat ko ang dila ko before I say something not nice and it all worked! J

Please take a closer look at this context
Imagine na isa kang flight attendant, matapos kang mag serve ng meal sa mga pasahero you walk down the isle back ang forth asking passengers if they want a refill for their coffee or tea cups. Some may accept but some may say 'NO THANKS'.

Would you let those passengers who said NO makes you feel bad? Ibababa ba ng self-esteem mo ang pagtanggi nila at iniisip mo nang mag-quit sa job mo?

Syempre hindi. You would know that people are not rejecting you personally. They are just saying NO sa ino-offer mo.

Ganyan din sa business. Tinatanggihan lang nila ang opportunity na ino-offer mo and not you. Kaya pag sinagot ka ng NO, stay cool, wag mapikon, or masaktan. Ikibit-balikat mo lang and politely say, “See you around!” dahil pag may resulta at kumikita ka na sila na ang maghahabol sa’yo.

Hope this blog helps! Happy changing lives! J